Magsasaka, Patay matapos makuryente habang kumukuha ng Igat

208

*Cauayan City, Isabela*- Wala nang buhay ng matagpuan ang isang magsasaka matapos makuryente pasado alas otso kagabi sa Brgy. Maui, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Enerson Doddo, 35 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PSSg. Romeo Gatan, Imbestigador ng PNP Delfin Albano,lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagtungo sa isang creek ang biktima upang kumuha ng igat at nang marating ang bahagi ng nasabing creek at aksidente nitong nahawakan ang live wire na sanhi ng kanyang agad na pagkamatay.

Sa ngayon ay nasa punerarya pa ang biktima para isailalim ang kanyang bangkay sa kaukulang eksaminasyon.

PhotoCourtesy: PNP Delfin Albano

Facebook Comments

From Advertisers