Magsasaka, patay matapos malunod sa bayan ng Luna, Isabela

129

Isabela – Nagdadalamhati ngayon ang isang pamilya makaraang malunod ang kanilang padre de pamilya.

Nakilala ang biktima na si Ulyses Asirit, 38 anyos, at residente ng Santo Domingo, Luna, Isabela.

Nalunod ang biktima sa ilog na sakop ng nasabing lugar.


Ayon sa pagsisiyasat ng mga kapulisan, nagtungo sa ilog ang biktima kasama ang ilang mga kaibigan para mangisda.

Nagpasya rin ang mga ito na sumisid para kumuha ng shell subalit hindi na lumutang ang biktima.

Nang makita ang katawan nito, agad dinala sa hospital ngunit idineklara na itong dead on arrival.



Facebook Comments