Magsasaka patay matapos malunod sa Pool

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang 28 anyos na binata na nalunod sa swimming pool sa Esperanza, Sultan Kudarat.
Kinilala ang biktima na si Jaypee Tomas Kinindi, magsasaka, residente ng Brgy Tomecor, Ampatuan, Maguindanao.
Sa Hot and Cold Spring Resort, sa Brgy Marguez, Esperanza , ipinag-diwang ng pamilya ni Kinindi ang kaarawan ng isa nilang kaanak.
Inakala umano ng mga ito na sumisid lang ang biktima ngunit ikinagulat nila na biglang lumutang na ito.
Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktima subalit ideniklara itong dead on arrival ng mga doktor.(Daisy Mangod)
Google Pic

Facebook Comments