Magtiyahin, Inaresto dahil sa Kawalan ng Permit ng Furniture Shop

37

Cauayan, Isabela-Arestado ang may-ari ng isang furniture shop at pamangkin makaraan ang patuloy nitong operasyon sa paggawa ng mga mwebles (furniture) ng walang kaukulang permit mula sa pamahalaan ng Sto. Niño, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na si Nympha Menor, 30-anyos at Benedicto Menor, 50-anyos, may-asawa at pawang residente ng Brgy. Centro Norte, Sto. Nino, Cagayan.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Sto. Niño Police Station, agad na nagtungo ang pulisya sa sinasabing lugar hanggang napag-alaman na walang kaukulang permit mula sa DENR ang shop at naaktuhan ang ginagawang pagmamando ng ginang sa kanyang pagawaan.

Nakumpiska naman sa pag-iingat ng mga suspek ang ilang sawn lumbers Calusit, G-melina, Narra at Santol na tinatayang nasa 194. 9 board feet.

Samantala, nakapagpiyansa rin ang dalawa matapos ang kasong isinampa laban sa kanila.

Facebook Comments