MAGTIYO, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG NAKAW NA BAKA

Cauayan City – Arestado ang magtiyo matapos mahuli sa isang entrapment operation dahil sa pagbebenta ng di-umano’y nakaw na baka sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Police Captain Julius Abon ng Bambang Municipal Police Station, nag-ulat ang may-ari ng nawawalang baka dalawang araw bago ang operasyon.

Sa pamamagitan ng barangay information network, natunton ng pulisya na may ibinebentang baka sa halagang ₱26,000, mas mababa sa tunay na halaga nitong ₱50,000-₱60,000.

Nang isagawa ang entrapment operation, bitbit na ng mga suspek ang baka, at isa sa kanila ay nahulihan pa ng cal. 38 na baril.

Agad silang inaresto matapos tanggapin ang perang pangbili sa naturang baka.

Samantala, sasampahan naman ng kaukulang kaso ang mga suspek.

Facebook Comments