Magtulungan na lamang at huwag dagdagan pa ang sigalot sa banggaan ng Chinese at Pilipino vessels sa Recto Bank ayon sa DND opisyal

103

Iginiit ni DND Secretary Delfin Lorenzana na huwag ng dagdagan pa ang mga emosyon bagkus magtulungan nalang tayo sa mga Chinese Government para malaman ang tunay na nangyari sa sinasabing banggaan ng bangka sa Recto Bank at masusing  imbestigahan ang tunay na pangyayari.

Sinabi ni Secretary Lorenzana na maraming bersyon na ang lumalabas sa naturang usapin kayat dapat lamang umano na  huwag magpadalus-dalos sa mga pahayag upang hindi lumala pa ang naturang sigalot.


Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni DND Secretary Delfin Lorenzana na ang insidente ng Recto Bank sa West Philippine Sea na ang Kapitan aniya  ay tulog sa kanilang sinasakyang mother boat ng mangyari ang banggaan.

Ayon kay  Lorenzana na nahihirapan ang mga Pilipinong mangingisda ng dumating ang Vietnamese para tulungan sila dahil hindi sila magkakaintindihan at sign language lamang ang kanilang ginagamit sa komunikasyon.

Paliwanag ni Lorenzana hiniling niya sa DFA na sumulat sa Chinese Government upang magbigay naman ng kanilang isinasagawang sariling imbestigasyon para malaman talaga ang tunay na insidente.

Facebook Comments

From Advertisers