Maguindanao Government nagbigay ayuda sa mga bakwit sa SPMS Box

55

Libong internally displaced persons (IDPs) ang nakatanggap ng relief assistance mula sa Maguindanao Provincial Government.


Sa impormasyon mula kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, ang relief operations magpapatuloy upang mapagsilbihan ang iba pang IDPs sa ibang evacuation sites pati na yaong mga piniling sumilong sa kanilang mga kamag-anak.

Ang disaster management team ng Maguindanao ay nagtungo nitong weekend sa Barangay Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao upang mamahagi ng food packs sa mahigit 3,000 mga pamilyang bakwit.

Ang recipients ay mula sa Barangays Lepok, Tapikan, Bagong, Bialong, Malingao, Tina, at Kuloy.

Nagkaloob rin ang mga ito ng ayuda sa mga apektado sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.
Napilitang lumikas ang naturang IDPs nang magsimula ang “surgical operation” ng militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) noong Nov. 26 sa (SPMS) box.

Nagpapatuloy rin ang pagsisikap ng Maguindanao Government para tuluyang maaddress na ang problema sa SPMS Area.(Daisy Mangod)
PGO Pic

Facebook Comments