Monday, July 20, 2026

Magulong pulitika sa bansa, nakaapekto sa kampanya ng Pilipinas para sa UN Security Council — Palasyo

Naniniwala ang Malacañang na posibleng nakaapekto sa pagkatalo ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC) ang mga nangyayari sa pulitika sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, nakita ng buong mundo ang kasalukuyang gulo sa pulitika kaya naging negatibo ang tingin sa atin ng ibang mga bansa.

Sa kabila ng personal na pagkampanya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para makakuha ng pwesto sa UN Security Council, natalo ang Pilipinas sa Kyrgyztan matapos ang apat na rounds ng botohan.

Mayroon lamang ang Pilipinas na 49 na boto habang 142 ang nakuha ng Kyrgyztan para sa Asia-Pacific seat para sa 2027-2028 na termino.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inirerespeto nila ang desisyon ng UN member states kasabay ng pagpapaabot ng pagbati sa Kyrgyztan.

Facebook Comments