Mahabang term limits, isusulong ni Rep. Cayetano

Isusulong ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano ang magkaroon ng mahabang term limits para sa mga halal na opisyal.

Ayon kay Cayetano – umaasa siya na papanig ang Senado sa term-extension o kaya naman ay no term limit.

Isusulong din nila ang panukalang federalism.


Iginiit ni Cayetano na ito ay isang practical na paraan.

Paglilinaw pa niya – hindi niya tinutukoy ang pagpapalawig ng termino ng mga incumbent official.

Ipinupunto rin ni Cayetano ang term-sharing agreement nila ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Matatandaang si Cayetano ay uupo bilang house speaker sa loob ng 15 buwan habang si Velasco ay pamumunuan ang natitirang 21 buwan ng 18th Congress.

Facebook Comments