Mahahabang pila sa goverment transactions, masosolusyonan na ng Ease of Doing Business – Duterte

60

Mapapadali na ang anumang transaksyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng Ease of Doing Business Act.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang makakita ng mahahabang pila lalo na sa katirikan ng araw o habang bumabaha.


Mapapadali na rin ang transaksyon dahil sa paglulunsad ng Philippine Identification System o national ID.

Binanggit din ng Pangulo ang 10 year validity ng Driver’s licenses at pagsasa-ayos ng tatlong milyong backlog.

Iminungkahi rin ng pangulo ang ideyang isailalim sa medical assessment ang mga driver kada limang taon para malaman kung may maayos pa silang paningin o pandinig.

Facebook Comments