Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at ang iba pang basketball leagues, pinahihingi rin ng abiso sa IATF para sa pagbabalik-laro

44

Pinayuhan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director Sonny Barrios ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at ang iba pang basketball leagues na gayahin ang ginawa ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ayon kay Barrios, dapat din silang humingi ng permiso sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa kanilang pagbabalik-laro sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Kailangan kasi aniyang may permiso galing sa IATF dahil dapat isaalang-alang ang mga health protocols na kailangang sundin.

Nabatid na una nang pinayagan ng IATF ang basketball at football sa kabila ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19.

Facebook Comments