Mahigipit na seguridad, ipinatutupad sa 28 public school sa NCR

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos na may sapat na pwersang naka-deploy sa bisinidad ng 28 public schools sa National Capital Region (NCR) na sisimulan na ngayong araw ang face-to-face classes.

Ayon kay PNP chief, ang muling pagsasagawa ng face-to-face classes sa bansa ay sinimulan noong nakaraang buwan.

Kaya naman hindi na bago sa kanila ang paglalatag ng seguridad sa 28 public school sa NCR.


Sinabi ni PNP chief susundin na lamang nila ang template at papaalalahanan ang kanyang mga tauhan na limitahan lamang ang pagbabantay sa mga eskwelahan.

Payo naman ni PNP chief sa mga estudyante, magulang at guardians na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at palaging maghugas ng kamay.

Facebook Comments