Mahigit ₱1-M halaga ng pinaghihinalaang shabu, nakumpiska sa Marikina City

56

Umaabot sa ₱1,020,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska sa tatlong umano ay pusher sa isinagawang buy-bust operation sa No. 2 Kapitan Enrico Cruz St., Brgy. Sto. Niño, Marikina City.

Kinalala ang mga suspek na sina Mark Gil Busa, 19 anyos; Abdullah Ebrahim, 20 anyos; Khalid Omar, 20 anyos, kapwa mga high value target ng Eastern Police District (EPD).


Napag-alaman na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit kasama ang mga operatiba ng Regional Mobile Force Battalion ng 2nd Mobile Force Company kung saan nakumpiskahan ng 150 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,020,000 at mga buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments