Mahigit ₱1 milyon halaga ng shabu nasabat sa Rodriguez, Rizal

35

Umaabot sa ₱1.360 milyon ang halaga ng shabu na nasabat sa buy-bust operation sa San Jose, Rodriquez, Rizal ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service at PDEA Region IV-A Rizal Provincial Office.

Mahigit 200 gramo ng shabu ang nasabat sa dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot na hindi muna pinangalanan ng mga otoridad dahil sa ikakasang mga follow-up operations.

Paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa sa dalawamg suspek.

Facebook Comments