Mahigit ₱100-K halaga ng droga, nasabat sa isang lalaki sa Marikina City

27

Sinalakay ng mga awtoridad ang isang bahay sa Magsaysay St., Brgy. Parang, Marikina City, pasado alas-6:00 kagabi, matapos mapag-alaman na pugad ito ng iligal na droga.

Dahil dito, arestado si Antonio Sembrano Vengco, alyas “Tonyo”, 38-anyos, kasama sa drug watch list ng Marikina Philippine National Police (PNP) at tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa naturang lugar.


Nasamsam sa operasyon ang 15 grams na umano’y shabu at may katumbas na halagang ₱102,000.

Nakuhanan din ang suspek ng isang baril na caliber .45 na may limang baka at isang magazine.

Nakakulong na ang suspek sa Marikina PNP Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong possession of illegal drugs at illegal possession ng hindi lisensyadong baril.

Facebook Comments