Mahigit ₱100-K halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust operation sa Marikina City; limang umano’y mga pusher, arestado

45

Timbog ang limang hinihinalang tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa Marikina City matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila pasado ala-1:20 kaninang madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Ethel Cain Bonggo Bonadio, 23-anyos; Russel Braga Cruz, 19-anyos; Amber Jacob Bermudo, 36 -anyos; James Macalintal Monforte, 24-anyos; at Erica Mae Bonggo Bomio, 20-anyos.


Nakuha mula sa kanila ang 22 gramo ng umano’y shabu na may katumbas na halagang ₱149,600, isang maliit na timbangan at ang ₱1,000 na ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang nasabing operasyon sa Blk. 75, Angel Santos, Brgy. Tumana, Marikina City, matapos makumpirma ang ilegal na transaksyon ng mga suspek.

Nakakulong na ang mga suspek sa Marikina Philippine National Police (PNP) Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020.

Facebook Comments