Mahigit ₱13.2M halaga ng high-grade marijuana o kush, nasabat ng BOC sa Clark International Airport

222

Aabot sa ₱13.2 milyong halaga ng high-grade marijuana o kush ang nasabat kanina sa Clark International Airport.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang mga nasabat na iligal na droga ay nakapaloob sa mga lata ng kilala ng brand ng herbal supplements


Nagmula umano ito sa isang shipment mula sa California, USA at nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Clark International Airport.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil dito

Facebook Comments