Mahigit ₱130-K halaga ng shabu nasabat sa Muntinlupa City; suspek, arestado

51

Sinalakay ng mga otoridad ang isang bahay na pugad umano ng ilegal na droga sa Molino Street, Brgy. Alabang, Muntinlupa City pasado alas-8:00 kagabi.

Dahil dito, arestado ang suspek na si Jonathan Mata Sta. Ana, alyas “Atan”, na tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa lungsod ng Muntinlupa.


Nasamsam ng mga otoridad ang 20 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang ₱136,000.

Ginawa ang nasabing operasyon matapos mabilhan ang suspek ng ₱500 na halaga ng shabu ng isang pulis sa Muntinlupa City na nagpanggap bilang poseur buyer.

Kaya naman agad na ikinasa ang operasyon ng Muntinlupa Station Drug Enforcement Unit (SDEU), katuwang ang Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA), laban sa suspek.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa Philippine National Police (PNP) custodial facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments