Mahigit ₱130,000 na halaga ng shabu, nasabat sa Tiaong, Quezon

47

Nasamsam ng mga otoridad ang nasa ₱130,424 halaga ng sahbu sa buy-bust operation sa Tiaong, Quezon,.

Pasado ala-1:45 kaninang madaling araw nang ikasa ang operasyon kung saan nadakip ang suspek na si Walter Baldeo Maloles, 34-anyos.


Ayon kay Tiaong Police Station Officer-In-Charge Police Lt.Col. Dennis de Leon, ikinasa ang operasyon laban sa suspek matapos itong mabilhan ng ₱3,536 na halaga ng shabu ng police poseur buyer.

Nakakulong na ang suspek sa Tiaong Municipal Police Station custodial facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments