Mahigit ₱2.3-M halaga ng umano’y shabu, nasamsam sa buy-bust operation sa Marikina City

52

Nasabat ang 340 grams na umano’y shabu na may katumbas na halagang ₱2,312,000 matapos salakayin ng mga otoridad ang isang bahay sa Marikina City na pugad umano ng iligal na droga.

Dahil dito, arestado ang mga suspek na sina Noel Vargas Del Rosario, 33-anyos; Sonny Boy Amayao Manalili, 32-anyos; Ariel Simeon San Pascual, 38-anyos; at Jherelyn Escaro Saceda, 34-anyos.

Maliban sa umano’y shabu, nakuha rin ng mga pulis ang ₱1,000 na ginamit bilang buy-bust money at isang maliit na timbangan.

Ginawa ang buy-bust operation sa 29 Carnation St., Libis Bulelak, Brgy. Malanday, ng naturang lungsod, pasado alas-9:45 kagabi, matapos makumpirma ang iligal na transakyon ng mga suspek kaugnay sa iligal na droga.

Nakakulong na ang mga suspek sa Marikina City Police Station Custodial Facility at nahaharap sila sa kasong pag labag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments