Mahigit ₱2-bilyong halaga ng mga nakumpiskang iligal na sigarilyo, winasak ng BIR

Sabay-sabay na winasak ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang bilyon-bilyong halaga ng mga nakumpiskang iligal na sigarilyo at hindi rehistradong makina.

Pinangunahan mismo ni BIR Comm. Romeo Lumagui Jr. ang ginawang pagwasak sa illicit cigarettes sa isa sa mga lokasyon sa Porac, Pampanga.

Paliwanag pa ni Lumagui na nasa 14.3 milyong pakete ng iligal na sigarilyo na may halagang tinatayang ₱2.1 bilyon ang sinira.

Dagdag pa ng opisyal na may tinatayang tax liability ito na nagkakahalaga ng ₱6.4-bilyon.

Bukod naman sa pagkumpiska at pagsira ng mga iligal na produkto, nakapaghain na rin ang BIR ng maraming kasong kriminal laban sa mga indibidwal at korporasyong sangkot sa iligal na kalakalan

Facebook Comments