Mahigit ₱2-M halaga ng pinaghihinalaang shabu nakumpiska sa Taguig City

62

Umaabot sa ₱2.9-M ang halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Taguig City Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isinagawang buy-bust operation sa Rd. 14 Maguindanao St. Brgy. New Lower Bicutan Taguig City.

Kinilala ang suspect na si Alonto Aminola Kasim 27 anyos residente sa naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Taguig Philippine National Police (PNP), nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba SDEU ng Taguig City Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto kay Kasim.


Narekober sa suspek ang humigit kumulang 430 gramo na nagkakahalaga ng ₱2,924,000, isang black tea bag, isang gray sling bag at 44 pirasong ₱1,000 na Boodle Money at genuine ₱1000 bill ginamit bilang buy bust money.

Paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments