Mahigit ₱20 milyong halaga ng shabu, narekober sa dalawang naarestong big time drug dealers sa Nueva Ecija

375

Huli ang dalawang big time drug dealers sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Lakewood Subd., Brgy. Sumacab Este, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ito ay sa harap na rin ng mas pinaigting nilang kampanya kontra high value drug personalities.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Bgen. Rhoderick Augustus Alba, ang mga naaresto ay kinilalang sina Sittie Mimbisa Pindatun, 30 anyos at Nor-an Hajinor Bilal, 26 anyos.


Nakuha sa kanila ang 3000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng aabot sa 20.4 milyong piso.

Sa ngayon, nahaharap na ang dalawang big time drug dealer sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments