Mahigit ₱25,000 halaga ng shabu, nakumpiska sa Taguig City

44

Aabot sa mahigit ₱25,000 ang nakumpiskang halaga ng iligal na droga sa Barangay Western Bicutan, Taguig City.


Arestado sa isinagawang buy-bust operation ang mga suspek na sina Randy Sarmiento alyas “Bonet”, 39 taong gulang at Ronnie Sarmiento, alyas “Jun”, 40 taong gulang.

Nahuli ang mga ito bunsod na rin ng text na ipinadala ng isang concerned citizen.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang Taguig Philippine National Police (PNP) at nagpanggap na isang poseur-buyer ang isa sa agents.

Kasama sa mga nakumpiska sa mga suspek ang 4.26 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱28,968, dalawang ₱100 bills, isang coin purse at isang cellphone.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments