Mahigit ₱428,000 na halaga ng shabu, nasamsam sa Tayabas, Quezon; senior citizen na Ginang, timbog

55

Aabot sa ₱428,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa bahagi Leveriza Subdivision, Barangay Isabang Tayabas City, sa lalawigan ng Quezon.

Dito ay naaresto ang isang 60-anyos na ginang na kinilalang si Lourdes Patalinghog Leoncion, alyas Inday at tubong Cebu City ngunit kasalukuyang naninirahan sa lugar kung saan siya naaresto.


Ayon sa Provincial Drug Enforcement Unit o PDEA 4A-Quezon, matagal na nilang sinusubaybayan ang mga iligal na transakyon ng nasabing suspek.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa Tayabas City Police Station custodial facility habang inihahanda ang kasong isasampa sa laban kanya na may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments