Mahigit ₱500,000 halaga ng shabu, nakumpiska sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Malabon At Valenzuela

28

Aabot sa ₱544,000 na halaga ng 80 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Malabon at Valenzuela City.

Sa ulat ng Northern Police District (NPD), unang nadakip ang limang lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Longos, Malabon.


Nahuli dito ang isang alyas “Rick”, 40 anyos at ang apat na kasamahan.

Nadakip ang mga ito matapos na magpanggap na poseur buyer ang isang pulis.

Samantala, tatlong lalaki naman ang timbog sa operasyon ng mga otoridad sa Barangay Marulas, Valenzuela.

Nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




Facebook Comments