Mahigit ₱6-M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasamsam ng mga awtoridad

Kasunod ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa smuggling at iba pang uri ng organisadong krimen, lalo na sa mga pangunahing baybayin sa bansa.

Naharang ng Zamboanga del Sur Maritime Police Station ang isang motorized banca sakay ang anim na katao na hinihinalang sangkot sa pagpupuslit ng mga sigarilyo.

Ayon sa PNP Maritime Group ikinasa ang operasyon nitong April 19, 2025 sa karagatang bahagi ng Tambunan, Tabina, Zamboanga del Sur.

Nasamsam sa operasyon ang 110 master cases ng smuggled na sigarilyo na may tinatayang halaga na ₱6.3 million.

Samantala, ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang operasyon ay bahagi ng paghahanda ng PNP sa 2025 National and Local Elections, BARMM Parliamentary Elections at ng kampanyang “Ligtas SUMVAC 2025.”

Ang mga suspek at mga nakumpiskang kontrabando ay nasa kustodiya na ng mga otoridad para sa masusing imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments