Mahigit ₱9-M halaga ng marijuana, nasabat sa Pasig City; 3 suspek, arestado

Kalaboso ngayon ang 2 drug suspect na itinuturing na Regional High Value Individuals matapos ang ikinasang operasyon ng Eastern Police District o EPD sa Brgy. Kapasigan sa Pasig City.

Batay sa ulat kay EPD Acting Director, P/Col. Wilson Asueta, nakilala ang mga naaresto na sina Bjoryaniel Cruz, 21 anyos, Kent Louie Cruz, 38 anyos at Lexi Cruz, 40 anyos.

Lumabas sa panunang imbestigasyon na matapos ang isinagawang pagmamanman sa 3 ay natiklo sila ng pinagsanib na puwersa ng EPD at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.


Nakuha sa kanila ang 6 na piraso ng mahahabang plastic na naglalaman ng kush o high grade marijuana na tumitimbang ng humigit kumulang 6 na kilo at nagkakahalaga ng 8.4 milyong piso.

Gayundin ang 6 na mahahabang plastic na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng humigit kumulang 6 na kilo at nagkakahalaga ng 720 libong piso.

Mahaharap ang 3 naarestong drug suspects sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments