Mahigit ₱180-K halagang ng shabu, nasamsam sa Taguig City

Higit kumulang 26.70 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P181,560 ang nasabat sa buy-bust operation sa Taguig City, pasado alas-8:00 kagabi.

Arestado sa operasyon sina Cecil Ross Guiwan Carpio; Clifford Santos Ibanez; and Jessie Velasco Darag.

Ikinasa ang nasabing operasyon matapos makatanggap ng reklamo ang Taguig City Police ukol a sa iligal sa gawain ng mga suspek sa No. 06-N Gen. Santos Ave., Lower Bicutan.


Katuwang ng Taguig Police sa buy-bust operation ang Regional Drugs Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office at District Drugs Enforcement Unit ng Southern Police District.

Nakakulong na ang tatlong suspek at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments