Mahigit 1, 000 mga pulis, nakakumpleto na ng dalawang dose ng Sinovac vaccine

23

Nakakumpleto na ng dalawang dose ng Sinovac vaccine ang 1,154 na mga pulis.

Ito ay ayon sa datos mula sa Administrative Support to COVID-19 Operations (ASCOTF) ng Philippine National Police (PNP).


Habang nakatakda namang turukan ang nalalabing 1,738 na pulis ng second dose ng Sinovac vaccine.

Kung makukumpleto nila ang dose, inaasahang mas protektado na ang mga pulis na ito sa COVID-19 na naka-deploy sa mga isolation facility.

Samantala, nasa first dose pa rin ng AstraZeneca ang 1,627 na mga pulis na naturukan sa iba’t ibang mga rehiyon.

Sa kabuuan, may 4, 519 na mga pulis ang naturukan ng mga bakuha kontra COVID-19.



Facebook Comments