Mahigit 1-K karagdangang family food packs para sa apektadong pamilya sa M6.9 na lindol, ipapadala ng DSWD sa Bogo City, Cebu

Magpapadala ng karagdagang 1,561 Family Food Packs (FFPs) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga residente ng Barangay Taytayan, Bogo City, Cebu.

Matapos ang pagtama ng magnitude 6.9 na lindol sa naturang lugar nakaraang Martes, Setyembre 30.

Ayon sa DSWD, mga ipapamahaging FFPs ay magsisilbing pangunahing suporta upang matiyak na may sapat na pagkain ng mga pamilya na nawalan ng kabuhayan at pamumuhay dahil sa pinsalang dulot ng lindol.

Tiniyak naman ng Social Welfare Department na tuloy-tuloy ang pagdating ng tulong sa bawat apektadong Cebuano.

Facebook Comments