Mahigit 1-M doses ng Pfizer vaccine, dumating sa bansa

36

Aabot sa 1,016,730 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno ang dumating sa bansa kagabi.

Pasado alas-10:00 kagabi ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplanong may dalang 813,150 doses ng bakuna.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., una nang naideliver ang 101,790 doses sa Cebu City at 101,790 doses sa Davao.


Aniya, napakahalaga ng nasabing mga bakuna lalo na’t nagsimula na ang bansa ng pediatric vaccination.

Sa ngayon, umaabot na sa 94.7 million COVID-19 vaccine ang naideliver sa bansa.

Facebook Comments