Mahigit 10 katao, hinuli ng Quezon City Task Force Disiplina dahil sa paglabag sa health protocols

41

Mahigit sampung katao ang hinuli ng Task Force Disiplina sa Quezon City dahil sa paglabag sa health protocols.

Unang sinuyod kahapon ang kahabaan ng C.P. Garcia kung saan pinaghuhuli ang mga nakatambay na kalalakihan na walang suot na face mask.

Hindi rin nakaligtas ang mga nagkukuwentuhan sa bangketa na walang suot na face mask at dikit-dikit.

Pagmumultahin ng ₱300 ang mga ito dahil mga first time violator.

Isinunod namang sinuyod ang kahabaaan ng East Avenue at nasampulan ang isang motor rider na walang suot na face mask.

Facebook Comments