
Aabot sa 127 dating myembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF sa Lamitan City, Basilan ang nabigyan ng amnestiya ng pamahalaan.
Ayon sa National Amnesty Commission (NAC), ito na ang pinakamaraming amnestiyang iginawad ng komisyon mula nang nagsimulang tumanggap ng aplikasyon ang pamahalaan.
Batay sa datos, 104 ang galing sa MILF habang 23 naman ang galing sa MNLF.
Sa kabuuan, 517 na aplikasyon na ang natanggap ng komisyon mula sa mga dating miyembro ng MILF habang 297 naman sa MNLF.
Tiniyak naman ng komisyon na tutulungan nila ang mga dating rebelde na makapagsimula sa kanilang bagong buhay.
Facebook Comments