Mahigit 100 estudyante, na-food poison sa Quezon City

376

Quezon City – Umabot sa 150 estudyante ang isinugod sa iba’t ibang ospital matapos mafood poision sa Novaliches, Quezon City.

Ayon sa grade 8 student ng Sta. Lucia High School na si Lozendo Tunil, recess time ng bumili sila ng calamansi shake sa canteen.

Pero makalipas aniya ang isang oras ay nakaramdam na sila ng pagkahilo, pagsusuka at paninikip ng dibdib.


Tumanggi naman magbigay ng pahayag ang pamunuan ng Sta. Lucia Highschool habang nangako na ang may-ari ng fruit shake stand na tutulong sa pagpapagamot ng mga estudyante.

Facebook Comments