
Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 120 iba’t ibang insidente sa bansa mula April 13 hanggang kaninang umaga April 21, 2025.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Randulf Tuaño, kabilang dito ang 64 na insidente ng pagkalunod, 15 insidente ng sunog, at 14 na aksidente sa kalsada.
Naitala rin ng mga awtoridad ang tatlong kaso ng acts of lasciviousness, dalawang kaso ng alarm and scandal, isang kaso ng pagnanakaw at isang kaso ng robbery.
Bukod pa rito, may 20 na insidente na napabilang sa ibang mga kategorya.
Sa kabila nito, sinabi ni Tuaño na naging mapayapa ang pagunita ng Semana Santa sa buong bansa kung saan walang naitalang malalaking insidente na nakasira sa tahimik at makabuluhang paggunita ng Mahal na Araw ng mga Katolikong Pilipino.