Mahigit 100 Japanese workers sa US bases sa Japan, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang higit isang daang Japanese workers na nagtatrabaho sa dalawang US Marine Corps bases sa Okinawa, Japan.

Resulta ito ng isagawang COVID-19 testing sa ilang libong Japanese workers sa nasabing US military institutes.

Halos 200 kaso naman ang naitala sa Marine Corps Air Station Futenma at Camp Hansen.


Dahil dito, naghigpit na ang Marine Corps sa mga personnel kung saan pinagbabawalan na silang lumabas sa mga kampo.

Facebook Comments