Mahigit 100 katao, patay sa chemical attack sa Syria

Syria – Mahigit 100 katao na ang patay sa chemical attack sa Northwestern Idlib province ng Syria.

Batay sa isang monitoring group, maraming bata ang kabilang sa death toll sa gitna na rin nang pagkilos ng medics at rescue workers sa nasabing baluwarte umano ng mga rebelde.

Ang chemical attack ay kinondena ng Amerika, Britain at France.


Isinisi naman ng White House kay Syrian President Bashar Al Assad at dating US President Barack Obama ang nasabing pag-atake at tinawag pa itong “murderer.”

Ayon kay White House Press Secretary Sean Spicer – ang karumaldumal na aksyon na ito ni Al Assad ay bunga ng kaduwagan ng nakaraang administrasyon.
Nation”

Facebook Comments