Mahigit 100 milyong pisong halaga ng shabu nasabat matapos mahuli ng PDEA ang bigtime supplier nito sa Metro Manila at iba pang kalapit lalawigan

Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bigtimeĀ  supplier ng shabu na kinilalang si Ronnie Mardoqio alyas Boy.

15 kilo ng shabu na nagkakagalaga ng 102 milyong piso ang nasabat kay Mardoquio na naggaling umano sa Cavite.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz, bukod sa Metro Manila ay nagsusupply din ang nahuling suspect sa Calabarzon Region kung saan kabilang sa mga binebentahan nito ay mga estudyante.


Samantala, nadiskubre naman ng PDEA ang bagong modus sa pagpapakalat ng iligal na droga kung saan ay iiwan lang ng isang pusher ang gamit na sasakyan at siya namang kukunin ng supplier gamit ang duplicate na susi at saka muling iiwan na mayroon nang lamang iligal na droga at kukuning muli ng pusher.

Facebook Comments