Mahigit 1,000 gumaling sa COVID-19 sa QC, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ng 57 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa impormasyon na inilabas ng QC Health Office, umakyat na sa 1,083 ang kabuuang nakarekober sa lungsod.

Nadagdagan naman ng 17 ang nagpositibo sa virus na umabot na sa 2,031.


Nasa 2,201 na ang kumpirmadong may kumpletong address sa Quezon City habang 2,121 naman ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Habang sa datos ng Local Government Unit (LGU), nasa 846 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Nadagdagan naman ng anim ang binawian ng buhay na mayroon ng kabuuang 192 na nasawi sa lungsod dahil sa virus.

Facebook Comments