Mahigit 10,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa ngayong araw

10,726 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

650 naman ang bagong gumaling at 145 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 914,971 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


193,476 naman ang aktibong kaso habang 705,757 ang total recoveries.

Ang kabuuang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay 15,738.

Facebook Comments