Mahigit 100K halaga ng shabu, nasabat sa drug buy bust operation sa Kamuning QC

125

Nakumpiska ng Quezon City Police District (QCPD) mula sa ikinasa nilang Drug Buy-bust Operation kahapon ang 15gramo ng shabu.

Ayon sa mga otoridad nakatanggap sila ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek na kinilalang si Jose Conrado Sabarre.


Daling dali silang nagkasa ng operasyon dahilan ng pagkaka aresto ng suspek sa kahabaan ng Kamuning Road Baganya Kamuning, Quezon City kagabi.

Narekober sa suspek ang 3 piraso ng medium size heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 15 grams ng shabu at may street value na P102,000.00, buy bust money, weighing scale, improvised pipe at kanyang sasakyan na Gray Mitsubishi Mirage

Kasalukuyan itong nahaharap sa paglabag sa RA 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments