MAHIGIT 100K KATAO SA CAUAYAN CITY, FULLY VACCINATED NA

20
Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa mahigit isang daang libong katao na ang nakatanggap ng kumpletong bakuna kontra COVID- 19 sa Lungsod ng Cauayan.

Sa pinakahuling datos na Cauayan City Health Office (CHO) 1, nasa 100,536 individuals na ang fully vaccinated o nabakunahan ng 2nd dose sa Lungsod mula sa 112,572 na target sa total population ng Cauayan City.

Tumaas naman sa 106, 534 individuals ang naturukan na ng first dose o katumbas ng 94.64%. Sa kabuuan, umabot na sa 89.31% ang vaccination rate ng Cauayan City at inaasahan pang tataas dahil sa nagpapatuloy na vaccination activity sa iba’t-ibang sites sa Lungsod.

Samantala, ipinababatid ng Cauayan City Health Office na tuwing araw na lamang ng Lunes, Miyerkules at Biyernes ang schedule ng bakunahan sa lahat ng pasok sa priority age group.

Facebook Comments