Mahigit 100k mga pasahero, dumagsa sa mga pantalan sa bansa dalawang araw bago ang halalan

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 63,163 outbound passengers at 53,331 inbound passengers sa mga pantalan sa bansa.

Sa harap ito ng pagdagsa ng mga pasaherong pauwi sa mga lalawigan para bumoto.

Sa ngayon, 5,425 frontline personnel ng Coast Guard ang nakadeploy sa 16 PCG Districts.

Umaabot na rin sa 516 barko at 1,087 motorbancas ang ininspeksyon ng mga tauhan ng PCG.

Mananatili namang naka-heightened ang PCG hanggang sa May 13,2025.

Facebook Comments