Mahigit 11,000 indibidwal, apektado ng pananalasa ng Bagyong Betty – NDRRMC

Umaabot na sa 2,859 pamilya o katumbas ng 11, 264 mga indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Betty.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa Regions 2,3, 6 at CAR ang mga naapektuhang indibidwal.

Nasa 877 mga pamilya o katumbas ng mahigit 3,400 mga indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 21 evacuation centers habang ang 112 pamilya ay piniling makituloy muna sa kanilang mga kamag-anak.


Kaugnay nito, tuloy-tuloy ang gobyerno sa pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng bagyo.

Sa katunayan, nakapaglabas na ang pamahalaan ng halos P2-M pondo na ginamit pambili ng family food packs at iba pang relief items.

Facebook Comments