Mahigit 1,400 na face masks, naipamahagi na ng Office of the Vice President sa mga lugar na apektado ng krisis dahil sa COVID-19 pandemic

59

Naibigay na ni Vice President Leni Robredo ang mahigit 1,400 na mga ginawang face masks sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ang mga nasabing face mask ay iba’t ibang grupo ang mga nanahi.

Nakatanggap ng face mask ang mga frontliner, mga COVID-19 patients, mga Locally Stranded Individuals at ilang walang tirahan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Maliban sa face mask, nagbigay rin ang Office of the Vice President (OVP) ng mga pagkain at inumin.

Nagmula ang mga face mask sa #Maskampante project ng team Pilipinas na layong makapagbahagi ng 100,000 reusable cloth masks.

Facebook Comments