Mahigit 14,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala sa nakalipas na linggo

54

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 14,707 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Setyembre 12 hanggang Setyembre 18.

Nangangahulugan ito na ang average na kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay 2,101 kung saan mas mababa ito ng 4 percent kumpara sa mga kaso noong Setyembre 5 hanggang Setyembre 11.

Sa mga bagong kaso, pito sa mga ito ang malubha at nasa kritikal na kalagayan.


248 naman na COVID patients ang binawian ng buhay na nakalipas na linggo

Kahapon, Setyembre 18,772 na COVID patients na nasa malubha at kritikal na kalagayan ang naka-admit sa mga ospital.

Facebook Comments