Mahigit 16 persons of interest sa Dacera case, lumutang sa NBI

972

Mahigit sa 16 na persons of interest sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera ang lumutang ngayong hapon sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters.

Sila ay pawang mga hotel guest mula sa Room 2207 ng City Garden Hotel sa Makati kung saan namatay si Dacera.


Kasama ng mga ito na nagtungo sa NBI ang 3 abogado at may isa ring basketball player.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, magandang development ang pagtalima ng mga respondents sa ipinadala nilang subpoena.

Ayon kay Lavin, humarap sa NBI ang naturang persons of interest para magbigay ng kanilang nalalaman sa naganap na New Year’s party.

Pinag-uusapan na ngayon sa NBI ang hinggil sa pagsusumite ng counter-affidavit ng mga lumutang na suspek.



Facebook Comments