Mahigit 16,000 indibidwal, apektado ng sama ng panahon sa ilang rehiyon sa bansa

Bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa partikular na sa Central Luzon, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN at BARMM dahil sa pinagsamang epekto ng habagat at low pressure area (LPA), umaabot na sa halos 5,000 pamilya o katumbas ng mahigit 16,000 na mga indibidwal ang apektado mula sa 50 mga barangay sa nabanggit na mga rehiyon.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa mahigit 3,000 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa 9 na evacuation center kung saan ang nasa 84 pamilya ay minarapat na makituloy pansamantala sa kanilang mga kaanak.

Samantala, 151 mga kabahayan ang napinsala ng sama ng panahon kung saan 143 ang partially damaged habang 8 naman ang totally damaged.

Tuloy-tuloy naman ang pamamahagi ng relief goods at hotmeals sa mga apektadong residente.

Facebook Comments