Mahigit 170,000 na halaga ng umano’y shabu nasabat sa Makati 

35

Sinalakay ng mga otoridad ang isang bahay sa No. 4050 Laperal Compound, Bernardino Street, Guadalupe Viejo, Makati City, matapos makumpirmang pugad ito ng ilIgal na droga. 

Dito naaresto ang mga suspek na sina Leonalyn Teston Mananghaya, 25-anyos at Joshua Balawin Rubio, 24-anyos.  

Nasamsam ng mga otoridad mula sa bahay ng mga suspek ang 25.4 grams na umano’y shabu na may katumbas na halagang P172,720 at iba’t ibang uri ng drug paraphernalia. 

Nakakulong na ang mga suspek sa Makati PNP Sub-Station 6 at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002. 

Facebook Comments